Tatlo sa kada limang Pilipino ang naniniwalang itinago ng China sa mundo ang mga impormasyon kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa nitong nakalipas na July 3 hanggang 6.
Nakasaad sa survey na 61 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang itinago ng China ang mga impormasyon sa COVID-19 23 porsyento naman ang hindi kumbinsido ng ginawa ng China ang magtago ng virus information at 15 porsyento naman ang undecided.
Dahil dito lumalabas sa survey na pito sa 10 pilipino ang kumbinsidong dapat managot ang China sa ginawang pagtatago ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa COVID-19.
Magugunitang nagmula sa wuhan ang COVID-19 at pumutok sa huling bahagi ng 2019 bago kumalat sa ibat ibang bansa sa taong ito.