Umabot na sa 62 trak ang mga basurang nahakot sa Manila North at South Cemetery matapos dagsain ng libu-libong katao.
Sinabayan ito ng paglilinis ng mga tauhan ng Manila – Department of Public Services (DPOS) simula noong October 28 hanggang kahapon, Nobyembre 1.
Umabot sa 148 metrikong tonelada ng kalat ang nahakot sa naturang dalawang sementeryo.
Nabatid na mas mataas ito kumpara noong Undas 2019.
Inaasahang madagdagan pa ang truck ng basura dahil mayroon pang nagtutungo sa sementeryo. —sa panulat ni Jenn Patrolla