Mahigit 60 empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa ulat ni MMDA General Manager Romando Artes, sa 100 empleyado ng MMDA na sumailalim sa COVID-19 testing , 60 rito ang dinapuan ng virus.
Aniya, karamihan sa mga ito ay mild at asymptomatic lamang at halos lahat ng empleyado ng MMDA ay bakunado kontra COVID-19.
Tinatayang nasa 8,000 ang kabuuang empleyado ng MMDA.