Balik bansa na ang higit 600 mga Overseas Filipino Workers (OFW) bunsod ng COVID-crisis.
Sa datos, mula sa bilang ng mga nakauwing OFW’s, 330 dito ang mga nanggaling sa United Kingdom at pawang mga crew ng MV Britannia.
Habang ang iba naman ay mga OFW’s mula sa Kuwait na nag-avail ng pinalawig na amnesty ng Kuwaiti government.
Bukod pa rito, dumating na rin sa bansa ang nasa 160 na mga Pinoy na na-stranded sa Japan, dahil sa COVID-19 pandemic.
Samantala, inabisuhan naman ng mga awtoridad na sasailalim sa mandatory 14-day quarantine ang mga balik bansang Pinoy. Ito’y isang hakbang para masiguro ang kaligtasan ng iba, kontra sa pagdapo ng nakamamatay na virus.