Mahigit anim na raang (600) sasakyan na ang nabawi ng PNP Highway Patrol Group mula sa isang libo walong daan (1,800) sasakyan na nabiktima ng ‘rent sangla’ scam.
Ayon kay Senior Inspector Jem Delantes, Spokesman ng PNP-HPG, karamihan sa mga na-recover nilang sasakyan ay mula sa Region 4-A at National Capital Region (NCR).
Nasa dalawandaan (200) aniya sa mga na-recover nilang sasakyan ay naisoli na sa mga may-ari samantalang mahigit pa sa tatlong daan (300) ang nasa kustodiya ng PNP-HPG.
By Len Aguirre