Tinatayang mahigit anim na libong (6,000) manggagawang Pinoy ang bigong makakuha ng amnestiya na inialok ng Saudi Arabia.
Batay sa datos, nasa labing dalawang libong (12,000) Pinoy ang nagparehistro para makauwi na ng bansa sa ilalim ng amnesty program ng kaharian ng Saudi Arabia na sinimulan noong Marso 29.
Gayunman, nasa mahigit limang libo (5,000) lamang sa mga ito ang nakabalik na sa bansa.
Ngayong araw na ito pormal na nagtapos ang syamnapung (90) araw na amnesty program ng Saudi Arabia para sa lahat ng dayuhang illegal na nagtatrabaho sa kaharian.