Tinatayang mahigit sa anim na libong (6,000) pulis ang ipapakalat ng Quezon City Police District sa Batasan Pambansa sa ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, magpapatupad sila ng maximum tolerance sa mga rally at protesta ng iba’t ibang militanteng grupo.
Aniya, mahalagang mapanatili ang peace and order sa panahon ng SONA ng ating Pangulo.
Siniguro naman ni Eleazar na walang magaganap na dispersal sa hanay ng mga raliyista sapagka’t isa rin sa mga layunin nila ay protektahan ang mga magpoprotesta.
By Jelbert Perdez
Mahigit 6000 pulis ikakalat para sa SONA was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882