Aabot sa 609,570 doses ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccine ang dumating sa Pilipinas nitong Huwebes.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa, ito na ang pinakahuling shipment ng bakuna na binili ng pamahalaan para sa taong ito.
Sa ngayon aniya ay nasa 210 million doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas.
Batay sa pinakahuling datos ng pamahalaan hanggang nitong December 28, mahigit 48 milyong Pilipino ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 habang mahigit 1.6 milyong indibidwal naman ang nakatanggap ng booster dose.