Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang 60,000 dayuhan sa bansa, na maaari silang maipa-deport.
Ito ay kasunod ng pagtatapos ngayong araw ng halos 1 taong alien registration program ng Bureau of Immigration.
Ayon kay Immigration Commissioner Siegfrid Mison, simula nang mag – umpisa ang programa noong Oktubre 1, 2014, ay halos 500 dayuhan pa lang ang lumahok dito.
Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga dayuhan na makumpleto ang kanilang dokumento, para maging ligal ang kanilang pananatili dito sa bansa.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)