Mahigit 60K na tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naka-deploy na sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa gaganaping Local and National Elections bukas.
Ayon kay AFP Spokesperson Army Colonel Ramon Zagala, ang pangunahing tungkulin nila ay tumulong sa Commission on Elections sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga tauhan sa areas of concern lalo na sa Central Mindanao.
Sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) noong may 4 na nasa 24 towns o bayan at 4 cities ang isinailalim sa COMELEC control dahil sa security concerns.
Naaresto rin ng PNP ang 24 individuals dahil sa umano’y election-related shooting incident sa nueva ecija na kinabibilangan ng security personnel ni Mayor Isidro Pajarillaga at Mayoral Candidate Virgilio Bote.
Binigyang diin naman ni Zabala na sa ngayon ay wala pang na-iulat na insidente na mga insidente na magdudulot ng alarma.