Aabot na sa 70% ng populasyon sa sampung rehiyon sa bansa ang fully vaccinated habang umakyat na sa 61.5 million na Pinoy ang bakunado na rin laban sa COVID-19.
Kinumpirma ito ni Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez sa kanyang pagharap sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahapon.
Nangunguna sa listahan ang National Capital Region (NCR) na sinundan ng regions 1, 2, 3, Cordillera, 4-A, 6, 11, 10, 9, 5, 8, Caraga at Mimaropa sa may pinaka-mataas na vaccination rate.
Gayunman, mababa anya ang vaccination rate sa ilang bahagi ng Mindanao.