Ipinag-utos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang regularisasyon ng mahigit 6,400 empleyado ng Jolibee Foods Corporation (JFC), ang pinaka-malaking fastfood chain sa bansa.
Ayon kay DOLE-National Capital Region Director Henry John Jalbuena, pina-re-refund din sa Jolibee ang kabuuang 15.4 Million Pesos na iligal umano nitong kinolekta sa 426 na empleyado.
Bagaman handa namang tumalima, i-a-apela ng JFC ang Department Order 174 ng ahensya lalo’t nagkaroon umano ito ng epekto sa stocks ng Jolibee na bahagyang bumulusok ang shares sa Philippine Stock Exchange.
Nilinaw naman ng Jolibee na ang mahigit 6,400 empleyado ay idineploy ng dalawa nilang service contractor.