Aabot sa 65,065 families o 250,578 individuals ang nanunuluyan sa 2,983 evacuation centers dahil sa Bagyong Paeng.
Batay sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center Report no. 10, mahigit 30,000 (30,165) pamilya o 129,100 katao ang nananatili sa ibang mga lugar.
Naapektuhan ng bagyo ang mahigit 351,000 (351,037) na pamilya o katumbas ng mahigit 1.4 milyong indibidwal (1,478,954) mula sa 3,596 barangays sa Regions I, II, III, CAR, CALABARZON, MIMAROPA, NCR, hanggang 12, CARAGA at BARMM.
Napinsala ng Bagyong Paeng ang ilang mga kabahayan sa nabanggit na mga lugar kung saan 149 ang totally damaged habang 580 ang partially damaged.
Umabot naman sa halos 32.8 million pesos (P32,793,231.49) ang naipagkaloob na assistance ng DSWD, local government units at NGOs sa mga naapektuhan ng bagyo.