Umabot na sa mahigit 18,000 pamilya ang inilikas na dahil sa pananalasa ng Bagyong Bising sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang naturang bilang ay katumbas ng mahigit sa 68,000 indibiduwal.
Ayon sa NDRRMC, karamihan sa mga inilikas ay mula sa ilang mga lugar sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Nasa 22 mga barangay naman sa Region 8 ang lubog sa baha partikular na sa Eastern Samar habang dalawang kalsada at isang tulay ang hindi madaanan sa isla ng Biliran.
4 na lugar din ang walang suplay ng kuryente partikular sa Pilar, Cebu gayundin sa Southern Leyte, Leyte at Eastern Samar.
Dahil dito, mahigit 2,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan, 89 cargos at 61 passenger vessels naman ang hindi pinapayagang maglayag dahil sa sama ng panahon.
TINGNAN: Sitwasyon sa mga lugar na apektado ng Bagyong Bising sa Bicol at E. Visayas.
Courtesy: MDRRMO Virac | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/rYIJTfIKRt— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 19, 2021