Aabot sa mahigit 6,000 mga luma at sirang baril ang winasak ng mga tauhan ng Pilippine National Police (PNP) sa Kampo Krame.
Ayon sa PNP Logistics office, ang pagkakasira sa 6,526 na armas na nakumpiska, nasabat, isinuko, idineposito, at natagpuang inabandona ay bahagi ng “demilitarization” ng ahensya.
Sa naging pahayag naman ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang naturang hakbang ay bahagi rin ng gun control measures ng kanilang ahensya upang masiguro na hindi mapupunta sa kamay ng mga kriminal ang nabanggit na mga armas.
Ang mga lumang armas na hindi na mapapakinabangan ay ginagawang scrap metal upang masigurong hindi na magagamit pa ang mga piyesa nito.