Umabot na sa mahigit 1 milyong pamilya (1,082,910) o katumbas ng nasa 4.2 na indibidwal (4,235,400) ang labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.
Batay iyan sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa may 6,115 na barangay sa 11 rehiyon sa bansa.
Partikular na rito ang MIMAROPA; BICOL; EASTERN, CENTRAL at WESTERN VISAYAS; ZAMBOANGA PENINSULA; NORTHERN MINDANAO; DAVAO; SOCCSKSARGEN; CARAGA at BARMM.
Aabot naman sa 561,459 indibiduwal ang nawalan ng bahay dahil sa bagyo kung saan ay 305, 229 dito ang tumutuloy ngayon sa may 1,201 evacuation centers.
Nasa 508,785 naman ang kabuuang bilang mga napinsalang kabahayan kung saan ay nasa 341,368 rito ang partially damaged habang nasa 167,417 naman ang hindi na talaga mapakikinabangan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)