Umabot na sa 6,122 paaralan sa buong bansa ang nagbalik na sa limited face-to-face classes.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, kahit nakatuon ang gobyerno sa buong implementasyon ng face-to-face classes, patuloy namang isusulong ng DepEd ang hybrid learning.
Sa pamamagitan kasi aniya nito, lalo pang matututo ang mga kabataan sa tulong ng pinagsamang online, modules at iba’t-ibang paraan ng pagkatuto.
Sa ilalim ng alert level 1, inaasahang mas maraming pang paaralan ang lalahok sa in-person classes.
Nasa 2,244 paaralan ang na-nominante ng DepEd Regional Offices matapos pumasa sa safety assesment.
Nangunguna ang Zamboanga Peninsula sa pinakamaraming na-nominate na paaralan na sinundan ng Bicol Region. —sa panulat ni Abby Malanday