Aabot sa pitong milyong pisong halaga ng relief goods na binili ng Ormoc City, Leyte ang nasira o napanis.
Ito ang nadiskubre ng Commission on Audit o COA kung saan binili umano ang naturang mga relief goods noong nakaraang taon.
Ayon sa COA, hindi napakinabangan ng mga biktima ng mga kalamidad ang naturang mga relief goods.
Lumalabas na bumili pa ng karagdagang mga relief goods ang pamahalaang lungsod ng Ormoc kahit pa hindi pa naipapamahagi ang unang batch ng mga ito.
Maliban dito, madaling nasira ang mga relief goods dahil sa hindi maayos na storage ng mga ito.
—-