Mahigit 70 katao ang inaresto sa Maynila dahil sa paglabag sa curfew sa gitna na rin nang pinaiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay MPD Chief Police Brigadier General Rolly Miranda nasa halos 800 na ang naaaresto nila na lumabag sa curfew mula March 17 hanggang March 24.
Ang ibang inaresto naman ayon kay Police Lt. Col. Carlo Manuel, Spokesman ng MPD ay mayroon ding paglabag tulad ng pag iinuman sa kalye at walang damit pang itaas o half naked.