Tumaas ng 70.74 percent ang kaso ng cyberbullying noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng PNP Anti-Cybercrime Group, kabuuang pitong daan at walumpu’t dalawang (782) cyberbullying cases ang kanilang naitala noong nakalipas na taon kumpara sa apatnaraan at limampu’t walong (458) insidente noong 2015.
Pinakamarami ang naitalang kaso ng online libel na nasa 498.
Sa unang quarter ng 2017, ipinabatid ng PNP Anti-Cybercrime Group na nakapagtala na sila ng 142 kaso ng online libel, 41 online threats, 10 insidente ng unjust vexation at apat (4) na kaso ng child abuse.
By Meann Tanbio
Mahigit 70% pagtaas ng kaso ng cyberbullying naitala ng PNP was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882