Ipinag-utos na ni Russian President Vladimir Putin ang pagpapaalis sa pitongdaan at limamput limang (755) US diplomatic staff sa kanilang bansa.
Ito ay ganti ng Russia sa bagong sanction ng Amerika laban sa Moscow.
Nais ni Putin na matigil na ang mga aktibidad ng mga ito sa kanilang bansa.
Dahil dito, matitira na lamang sa apatnaraan at limamput limang (455) diplomats sa embahada at konsulada ng Amerika sa Russia.