Mahigit 700 health care workers ang nahawahan na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at 22 sa mga ito ay nasawi.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang sa medical frontliners na nagpositibo sa virus ay 339 na doktor at 242 nurse.
Muling nagpaabot ng pakikiramay si Vergeire sa pamilya ng mga pumanaw na medical frontliners.
Kasabay nito muling kinundena ni Vergeire ang mga diskriminasyonsa mga frontliners na aniya’y isang uri ng karahasan at harassment gayung dapat ay pakitaan ng malasakit at suporta ang mga ito sa panahon ng krisis.