Mahigit 700 mga alagang baboy ang isinailalim sa culling o pinatay sa Saitama Prefecture sa Japan.
Batay sa ulat ng pahayagang Yomiuri, isinagawa ang culling matapos matukoy ang pagkakaroon ng outbreak ng swine fever sa nabanggit na lugar.
Ayon sa mga opisyal ng Saitama, kinailangan ito para ma-contain o makontrol ang pagkalat ng sakit sa mga baboy napinagkukunan din ng suplay ng Central Japan.
Maliban dito, ipinatigil na rin ng pamahalaan ang shipment ng mga alagang baboy mula sa dalawa pang farm sa Saitama patungo sa ibang bahagi ng Japan.
Una nang nilinaw ng Japan Agriculture Ministry na ibang strain ng swine fever ang na-detect sa kanilang bansa noong nakaraang taon kumpara sa nararanasang African Swine Fever (700) ng China sa kasalukuyan.