724 na senior citizens ang nabakunanhan kontra COVID-19 sa ikinasang mass vaccination drive sa Malabon City.
Sa ulat ng Malabon City Health Department, 56 na senior citizens ang nakatanggap ng kanilang first dose ng bakuna, habang 17 ang nakatanggap ng second dose, at 651 naman ang nakakuha ng kanilang mga booster shots.
Sa kasalukuyan, 29,112 senior citizens o 83% na target na age group ang ganap na nabakunahan.
Samantala, 29,606 senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose, o 84.4% target na senior population. —sa panulat ni Kim Gomez