Mahigit 700 tauhan ang itatalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pista ng itim na nazareno 2023.
Ayon sa ahensya, nasa 730 personnel ang idedeploy nila para tumulong sa traffic management at clearing operations mula January 6 – 9.
Anila, mula sa Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) ang itatalaga sa crowd control
Nakatakda namang tumulong sa pagmamando ng trapiko ang Western Traffic Enforcement (WTED) habang ang Metro Parkways Clearing Group (MPCG) naman ang magdedeploy ng street sweepers upang mapanatili ang kalinisan sa lugar.
Samantala, nasa 5 milyong deboto ang inaasahang makikilahok sa walk of faith procession ng itim na Nazareno sa January 8.