Umabot sa higit pitong libo at limang daang (7,500) lugar ang nasa election hotspot ang binabantayan ngayon ng Philippine National Police o PNP.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na agad na magsagawa ng assessment ang kapulisan sa kani-kanilang lugar upang masiguro ang maayos at mapayapang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Inaasahan ng PNP na mas maraming banta sa seguridad ang barangay kumpara sa national elections dahil nanggagaling lamang sa parehong komunidad ang magkakalaban sa pulitika at kanilang mga supporter.
Election paraphernalia
Samantala, magsisimula na ngayong linggo ang Commission on Elections o COMELEC sa deployment ng mga election paraphernalia patungo sa mga local COMELEC offices.
Ayon kay COMELEC Commissioner Sheriff Abas, unang unang ipadadala ang mga balota at supplies sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na siyang pinakamalayong lugar sa April 25, Miyerkoles.
Habang pinahuli namang bibigyan ng supplies ang National Capital Region o NCR sa May 8 hanggang 9.
—-