Mahigit sa 7,000 ang nabigyan ng trabaho sa job fair na ginanap sa San Fernando, Pampanga nitong Labor Day.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, mahigit 1,000 dito ang hired on the spot samantalang mahigit sa 5,000 ang nag-aayos na lamang ng mga requirements.
Sinabi ni Bello na sa San Fernando ginanap ang major event para sa Labor Day dahil isinabay dito ang ground breaking ceremony para sa State of the Art na ospital para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Maliban dito, abot-kamay na rin anya ang kahilingan ng mga manggagawa na wakasan ang kontraktuwalisasyon kapag naipasa na ang panukalang security of tenure para sa mga manggagawa.
Magiging istrikto na ang ating batas para sa mga contractual arrangement na lahat ng mga trabaho na indispensable sa isang kumpanya ay dapat gawa ng isang regular na employee. Hindi naman basta-basta kasi ‘yung iniisip ng ating mga kaibigan sa labor sector dahil alam mo it takes time. Kasi kagaya ng mga malaking kumpanya, merong mga humigit-kumulang 200 lang sa daang-daang libong workers, we have to give them time.” ani Bello.
Ratsada Balita Interview
Augmentation team ng DOLE, nasa Tripoli, Libya na
Nasa Tripoli, Libya na ang augmentation team ng Department of Labor and Employment (DOLE) at quick reaction team ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation ng mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan doon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, mahigpit ang direktiba ng pangulo na pauwiin na ang mga Pilipinong nasa Tripoli, Libya.
Sa ngayon anya ay marami na sa mga OFWs ang pumayag nang umuwi sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Bello na hindi nila ito masyadong isinasapubliko dahil sa pakiusap ng mga opisyal ng Libya.
More than 16 meron ng nare-repatriate kaya lang ang pakiusap nu’ng mga Libya authorities ay huwag nating bigyan ng publicity dahil alam mo nakikiusap sila na kung maaari huwag pauwiin ‘yung mga nurses at medical officers natin. Kasi kailangang-kailangan nila ngayon. So sabi naming, okay, we wil repatriate them pero hindi naming bibigyan ng publicity.” paliwanag ni Bello.
Ratsada Balita Interview