Wala pa ring suplay ng kuryente sa mahigit 761,000 kabahayan sa Bicol region mula sa mahigit 1.2 milyong naapektuhan ng bagyong Nina.
Ayon kay Energy Undersecretary William Fuentebella, nagdagdag na sila ng mga tauhan sa ground para mas mapabilis ang power restoration.
Kabilang aniya sa mga prayoridad nila ang mga lungsod dahil doon ang sentro ng komersyo at naroon ang city hall, munisipyo o kapitolyo na silang nangunguna rin sa relief assistance operation.
Target ng Energy department na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhan ng bagyong Nina sa susunod na buwan.
By Meann Tanbio