Bakunado na kontra COVID-19 ang halos kalahati ng mga manggagawa sa sektor ng turismo.
Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Berna Puyat sa pagharap nito sa Kamara para talakayin ang mahigit P3-B pondo para sa Department of Tourism para sa 2022 Proposed National Budget.
Ayon kay Puyat, mahigit 7,000 na mga manggagawa sa tourism sector o katumbas ng 45% mula sa kabuuang mahigit 219,000 manggagawa ang bakunado na kontra sa virus.
Habang nasa mahigit 120,000 namang mga nalalabing manggagawa ang naka-iskedyul na sa pagbabakuna. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)