Mahigit 72 milyong pilipino na ang nakapagparehistro sa Philippine Identifaction System (PhilSys).
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 78.6% o katumbas ng 72,348, 546 ang nakakumpleto na sa kanilang PhilSys step 2 registration mula sa target na 92 million para sa taong ito.
Kabilang dito ang pagkuha ng biometric information tulad ng fingerprints, iris at front-facing photographs.
Itinuturing naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na resulta ng pagsisikap ng psa regional at provincial field offices ang naturang bilang ng mga nagpatala.