Pumalo na sa 73,909 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero ngayong taon.
Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, 18,699 dengue cases ang naitala mula June 12 hanggang July 9.
Pinakamaraming naitalang kaso sa Central Luzon, Cagayan Valley at Metro Manila.
Kaugnay nito, hinimok ng doh ang publiko na sundin ang “4s strategy” laban sa dengue o ang “search and destroy” sa mga mosquito-breeding site, “secure self-protection”, “seek early consultation”, at “support fogging or spraying” sa hotspot areas.