Sumampa na sa mahigit pitundaan apatnapu (740) ang patay sa meningitis outbreak sa Nigeria sa loob lamang ng halos isang linggo.
Ayon sa Nigerian Centre for Disease Control, karamihan sa mga biktima ay bata.
Nasa walong libo (8,000) pang hinihinalang kaso ng naturang sakit ang naitala sa nakalipas na limang buwan kaya’t naglunsad ng malawakang vaccination program ang Health Ministry.
Nagsagawa na ng emergency meeting ang Nigerian Government upang ilatag ang mga hakbang sa pag-contain sa outbreak.
Karaniwang tinatamaan ng sakit na sanhi ng iba’t ibang uri ng bacteria ang outer layer ng utak at spinal cord at ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulo at pagtigas ng leeg.
Naisasalin ang sakit sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing lalo’t kung marumi ang kapaligiran.
By Drew Nacino
*Photo: AFP / CNN