Aabot sa 741,777 pamilya o katumbas ng 2,418,249 katao ang naapektuhan ng bagyong Paeng mula sa 17 rehiyon at 70 barangay sa bansa.
Ayon pa sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 865,981 katao ang na-displace, kabilang ang mga nananatili sa 2,728 evacuation centers.
Napinsala ng bagyo ang 6,542 kabahayan kung saan, 5,035 ang partially damaged habang 1,507 ang totally damaged na tinatayang aabot sa P12,415,000.
Nasira rin ang 55 imprastraktura na karamihan ay mga tulay.
Naapektuhan ng bagyong Paeng ang 53,575 magsasaka at 58,086.852 ektarya ng pananim, at napinsala ang limang agricultural infrastructures, machineries at equipment.
Tinatayang aabot naman sa mahigit P1,300,352,127.355 ang pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa agrikultura.