Umakyat pa sa mahigit 75.06 million ang naitatalang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mahigit 200 mga bansa at teritoryo sa buong mundo.
Mula sa nabanggit na bilang mahigit 1.6 million na ang nasawi, mag-iisang taon matapos matukoy ang unang kaso ng virus sa China, Disyembre ng nakaraang taon.
Nananatili namang nangunguna ang Estados Unidos sa mga bansang pinakaapektado ng COVID-19 kung saan nakapagtala na ng higit 17.4 million na kaso at mahigit 300,000 na pagkasawi.
Pumapangalawa ang India na nakapagtala nang higit 10 milyong kumpirmadong kaso at higit 145,000 na namatay.
Sinusundan naman ng Brazil na mayroon nang mahigit 7 billion na kaso at 185,000 na deathtoll.
Samantala, nasa ika-28 puwesto naman ang Pilipinas na nakapagtala ng mahigit 458,000 na kumpirmadong kaso kung saan higit 8,900 na ang nasawi.