Aabot sa pitong libo anim na raan at tatlumpu’t walong (7,638) lugar sa bansa ang tinukoy ng Philippine National Police o PNP bilang election hotspots.
Dahil dito inatasan ng Commission on Elections o COMELEC ang mga awtoridad na lalo pang paigtingin ang kanilang pagbabantay sa mga ito.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon batay sa report ng PNP, nasa red hotspots o nasa kritikal na sitwasyon ang limang daan at siyamnapu’t pitong (597) lugar.
Habang apatnalibo siyamnaraan at pitumpu (4,900) naman ang nasa orange hotspots o ibig sabihin ay lugar na may presensiya ng mga armadong grupo.
Samantalang dalawang libo at pitumpu’t isa (2,071) ang nasa yellow hotspots o mga lugar na mayroong history ng political unrest.
Nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang may pinakamaraming lugar na nasa red at orange hotspots.
—-