Aabot sa mahigit 792,000 na healthcare workers, senior citizens, immunocompromised at mga indibidwal na may comorbidities ang nakatanggap na ng kanilang second booster ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hanggang nitong Hunyo a-27 ay umabot na sa 70.5 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa nakahahawang sakit.
Sa nasabing bilang, mahigit 9.5 million ang adolescents at 3.4 milyon naman ang mga bata.
Papalo naman sa 15M indibidwal ang nabigyan na ng first booster shot.