Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit pitong libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 78,999 ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Nasa 2,705,792 ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa bansa.
Habang nasa 2,586,369 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 13,363.
40,424 naman na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 matapos na maitala ang 203 na panibagong mga nasawi sa virus.