Kinuwesyon ni Vice President Leni Robredo ang mahigit 8 bilyong pisong hinihinging pondo ng Office of the President.
Layunin ng naturang pondo na magsilbing intellegence at surveillance fund na nakapaloob sa mahigit apat at kalahating bilyong pisong panukalang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Robredo, mahalagang malaman kung saan ito mapupunta bagama’t batid na niyang dumami ang mga empleyadong pasusuwelduhin ng nasabing opisina.
Magugunitang ipinanawagan ng ilang mambabatas sa Kamara na silipin ang biglaang paglaki ng hinihinging intell fund ng Tanggapan ng Pangulo.
Pero nanindigan ang Malakaniyang na walang mali sa kanilang hinihinging pondo dahil kailangang tiyakin ng pamahalaan ang seguridad ng bansa.