Aabot na sa mahigit walo punto isang milyon ang nakatanggap ng Philippine Identification Cards o National ID sa buong bansa.
Inihayag ni Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rosalinda Bautista ang nasabing bilang ay 24.2% ng nakatakdang delivery target ng PhilSys ID ngayong taon na 33.8 million.
Katuwang ang Philippine Postal Corporation at Bangko Sentral ng Pilipinas, tiniyak ni Bautista na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang i-accommodate ang milyun-milyong Filipino na nagparehistro sa PhilSys step 1 at 2.
Pina-alalahanan naman ng PSA ang mga registrantna nakatanggap ng ID at papel na naglalaman ng kanilang PhilSys number na iwasang i-post ito sa social media upang maprotektahan ang personal nilang impormasyon.
Samantala, hinikayat ang mga naghihintay ng kanilang PhilSys ID na itago ang transaction slip at maghanda ng valid ID na i-pepresenta sa Philippine Postal Corporation personnel na mag-dedeliver ng National ID.