Umabot na sa mahigit 8M Philippine Identification (PHIL-ID) card ang naihatid sa mga nagparehistro sa buong bansa.
Batay sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA) hanggang nitong Marso 4, kabuuan nang 8,176,454 cards ang naipamahagi.
Binubuo nito ang 24.2% ng target na ide-deliver ngayong taon na aabot sa 33,800K na PHIL-ID CARD.
Nakatakda namang ilunsad ng psa ang mobile version ng PHIL-ID bilang digital alternative sa physical PHIL-ID card. – sa panulat ni Abby Malanday