Aabot sa mahigit walong (8) milyong Pilipino ang sobra-sobra ang oras sa pagtatrabaho.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na 8.1 milyong Pilipino ang overworked noong 2015.
Mas mataas ito ng 41.2 percent o mahigit 2.3 milyon kumapara sa mahigit 5.7 milyong overworked na Pinoy noong 1995.
Ayon kay Senadora Grace Poe na naghain ng panukalang batas para imbestigahan ang nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga overworked na Pinoy, nakamamatay ang sobra-sobrang pagtatrabaho.
Kaya naman ito ang isa aniya sa madaling ikinasasawi ng maraming empleyadong Pilipino.
Dahil dito, nais ni Poe na masuri ang polisiya ng mga kumpanya na nag-oobliga sa mga empleyado na magtrabaho ng mahabang oras maging ang pagbago sa labor laws.
By Ralph Obina