Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Guiginto, Bulacan sa Bureau of Animal Industry o BAI upang mas paigtingin pa ang mga isinasagawang pag-iinspekyon sa mga piggery sa kanilang lugar.
Ginawa ng Guiguinto LGU ang hakbang matapos patayin ang 81 baboy doon na natuklasang may sintomas ng hog cholera at African Swine Flu o ASF.
Sinabi ni Municipal Veterinarian Dr. Eduardo Jose, base sa resulta ng kanilang isinagawang pagsusuri, positibo sa sakit ang mga nasabing baboy kayat agad na ipinag-utos ang pagpatay sa mga ito.
Nilinaw naman ni Jose na bago pinatay ang mga baboy ay binayaran muna ng lokal na pamahalaan ang mga may-ari nito.
Matatandaang inihayag ng BAI na mas hihigpitan nila ang pagmomonitor sa pagbiyahe ng mga baboy na nagmula sa mga lugar na may mataas na mortality rate ng naturang alagang hayop.