Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na umabot sa mahigit 80-M pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.
Ayon sa LTFRB, kabuuang 80,832,186 total ridership ang naitala sa EDSA busway sa ilalim Service Contracting Program Phase 3.
87 operators at 751 public utility buses naman ang naging bahagi ng naturang programa.
Pinasalamatan naman ng LTFRB ang mga operator, driver, at conductor sa malasakit at serbisyong inihatid nito para sa mga commuter.
Matatapos ang 24/7 libreng sakay sa EDSA Bus Carousel sa December 31, 2022.