Aabot sa 80 maritime incidents ang kabuuang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, mas marami pang incident reports mula Northern Mindanao at Palawan ang hindi pa kabilang dito.
Sinabi pa ni Balilo na patuloy pa nilang inaalam ang kabuuang bilang ng mga nasawi, nawawala maging ang bilang ng mga nagsilikas. —sa panulat ni Angelica Doctolero