Mahigit 80% o 80.2% ng mga estudyante nuong nakalipas na school year ang opisyal nang nakapag enrol sa taong ito.
Ayon ito sa Department of Education kung saan nasa mahigit 15 million students ang nagpa rehistro sa public schools, mahigit 1 million sa private schools at halos 24,000 sa State Universities and colleges samantalang nasa halos 4.6 million students ang nakapagpatala sa early registration.
Sinabi ng DepEd na pinakamalaking bilang ng mga nag enrol ay mula sa Calabarzon na nasa halos tatlong milyon, sumunod ang Central Luzon na nasa mahigit dalawang milyong at NCR o nasa halos dalawang milyon.
Ipinabatid ng DepEd na nasa mahigit 184,000 ang nag enrol sa ilalim ng ALS o alternative learning system.