Mahigit 80 pang websites ng gobyerno ang hindi ma-access, simula pa noong Martes.
Kabilang na rito ang mga website ng Office of the Vice president, Department of Information and Communications Technology, Bureau of Customs at Immigration.
Gayunman, nilinaw ni D.I.C.T. Assistant-Secretary Allan Silor, hindi naman na-hack ang mga nasabing government website at wala ring na-kompromisong data.
Ipinaliwanag ni Silor na may hard drive lamang na pumalya dahil sa kalumaan at kailangan nang palitan.
Tiniyak naman ng D.I.C.T. Official na bago mag-weekend ay maibabalik na ang mga bumagsak na website.