Aabot sa 81 katao ang nasawi sa naganap na sagupaan sa pagitan ng Tajikistan at Kyrgyzstan.
Nabatid na ito na ang pinakamalalang karahasan na naitala sa nasabing mga bansa.
Bunsod ito ng akusasyon ng dalawang former soviet republics sa pagsisimula ng labanan sa pinag-aagawang lugar, sa kabila ng ceasefire.
Ayon sa Tajikistan authorities, 35 sa mga residente nito ang nasawi sa nasabing bakbakan habang naiulat naman ang 25 nasugatan kung saan kabilang dito ang mga sibilyan, babae at mga bata.
Sinabi naman ng Kyrgyzstan authorities na nasa 46 na indibidwal ang namatay sa southern border region ng Batken, habang 140 katao naman ang nasugatan.
Kaugnay nito, nanawagan na ng tigil-putukan sa pagitan ng dalawang bansa ang international community.