Aabot na sa mahigit walumpung (80) porsyento ng mga residente ng Marawi City ang nakabalik na sa kanilang tahanan.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development o DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, katumbas ito ng mahigit animnapu’t apat na libong (64,000) pamilya na naka-alis na sa mga itinalaga nilang evacuation centers.
Sa kabila nito, tiniyak ni Orogo na magpapatuloy ang ayuda ng pamahalaan para sa mga nabiktima ng giyera sa Marawi.
Tinatayang nasa isang bilyong piso aniya ang pondong inilaan para sa programang pangkabuhayan sa mga residente ng Marawi.
—-