Nasa bansa na ang 87undocumented Overseas Filipino Workers mula sa Kuwait.
Kasama nilang dumating sa Pilipinas sina Presidential Spokesperson Harry Roque; Labor Secretary Silvestre Bello III, Dating Labor Secretary Marianito Roque, Labor Attaché Rustico Dela Fuente at Deputy Chief of Mission in Kuwait Mohd Noordin Lomondot.
Nakatanggap ng tig 5,000 piso ang bawat umuwing OFW mula sa Department of Foreign Affairs at karagdagang 5,000 piso mula naman sa Department of Labor and Employment.
Handa namang magbigay ng 20,000 pisong cash assistance ang Overseas Workers Welfare Administration sa mga gustong magsimula ng negosyo.