Mahigit 80 volcanic earthquakes sa bulkang Bulusan ang naitala sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala rin ang 50-meter high “moderate emission” ng plume patungong North-Northwest.
Bagama’t nananatili ang bulkang Bulusan sa alert level 1 o low level unrest, patuloy pa ring nagpapaalala ang PHIVOLCS sa mga lokal na pamahalaan na bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibleng muling pagputok ng naturang bulkan.